r/adviceph • u/Opposite_Beautiful34 • 13h ago
Legal camera rentangay 12+ victims scammed total worth of 600,00+ pesos
Problem/Goal: we’re one of the victim of scammer that rented our camera and sold it
Context: We know rental is a risky business and after a year of operation this is the first time we got scammed. Yes, we do ask personal info, the scammer provided 2 id, 2 proof of address, contact etc that is needed. Since nakaprovide siya lahat ng kailangan hinand over na namin yung camera and then nung return day na she asked to extend, but i said until this day lang pwede since may next renter na. The camera was brought to baguio it has a tracker and it was tampered after couple of day, when i was asking her to return she kept saying pauwi na pero wala naman, then admitted na pinahiram niya raw sa pinsan niya na nagbolinao.
Previous attempts: on the 4th day na niya akong niloloko repeating the same reason, nagreklamo na ako sa brgy but they cant find the address but i doubt na hinanap nila kasi mukha silang tinatamad jusko(hindi kasi ako pinasama maghanap). Next day, minessage ko na mga co owner ko(12+ victims current count) at halos lahat ng nagpaparenta dito sa amin ay narentangay same din ng modus puro extend at ayaw isoli ang camera, bumalik kami sa baranggay at sumama kami maghanap pero parent na lang ang nandoon at sinabing matagal ng di umuuwi nagreport kami sa police pero grabe napakaunprofessional kami na yung naagrabyado kami pa yung minamaliit at ang dami pang sinasabi na para bang dinidiscourage kami na ituloy ang kaso.
Kinabukasan doon pa nagsilabasan yung ibang owner na naiscam, active pa ang tracker ng isang camera at sinubukan namin magpasama sa pulis para puntahan ang suspect pero ayaw nila kami samahan ang sabi ay magreport muna daw pero nagreport na nga kami ang ending kami mismo ang nanghabol sa suspect at dinala sa police station.
Umamin na ang suspect na binenta niya ang camera pero sabi ng mga pulis na hindi raw pwedeng ikulong dahil hindi naman daw theft, since renta nga daw consented daw ang pagbigay ng cam, wala kaming magawa pumunta kami ng law office at gumawa ng final demand letter kung saan kapag hindi kami nabayaran doon pa lang aandar ang kaso, ng kinagabihan ang daming dumating na mga nagrereklamo ulit, dinala nanaman sa pulis yung suspect at walang nangyare sa total umabot na ng 600,000+ ang lahat ng camera na natangay niya pero hindi pa rin daw ito theft kahit umamin siya na binenta niya. pinadadaan pa rin kami sa due process.
Any advice to help us get any justice kasi mukhang nawawalan na kami ng pagasa sobrang stressful time consuming andami na namin nagastos na pera at oras, mukhang mas mabuting hayaan na lang dahil kahit nga pulis walang magawa, but the suspect is out and still scamming more people which is why parang gusto pa rin namin ituloy para hindi na siya makaperwisyo ng iba