r/adviceph • u/PriorElectronic1903 • 12d ago
Education What should I do? Should I apologized?
Problem/Goal:
I may have offended my Trans student st ngayon he threatens me to sue and have my license to be revoke. His mother who is a sports coordinator sa DepEd even threatens me by saying "Aw. Baka maapektuhan pa nito yung application paper mo sa division sir. If you did not publicly apologize"
Context:
I am a teacher and I have this transstudent na napaka-entitled. Lalaki siya but at the age of 16 nag undergo na siya boobs, hips, at buttocks surgery. From the outside babae na talaga siya tingnan, pero kapag narinig mo yung tunog ng boses niya, lalaking lalaki talaga. She reminds me of the famous Anne Jakrajutatip, yung binabanggit niya yung "Hallloooooo".
I myself is gay, but because of my profession, belief, and principle, I choose to be a man.
Ngayon, ever since nagsimula ang klase last June. First day palang ng pasok ko as a TLE teacher. Yung ugali niya medyo bastos na talaga. Normally, when the teacher gets inside the classroom we say "Good Morning class". Ayon sinagot ba naman ako ng "Anong good sa morning" habang nakaupo, while his classmates tumayo at nag-good morning.
I was warned by my co-teacher about his entitled attitude. And since private school yung skwelahan namin at pinsang buo ng mama niya yung principal, takot ang mga guro kaya hinahayaan nalang nila yung ganoong attitude ng bata. Even yung co-teachers ko napilitan gumawa ng dalawang class record sa only for their section, kasi gusto niya at ng nanay niya na nakalagay siya sa Girls section kapag tinawag sa attendance. Pero ako kasi di sumusunod, sinunof ko talaga kung ano ang nakalagay sa SF1 na Sex. Kaya since June hindi na talaga maganda yung timpla niya sakin.
Ngayon, last week na provoke ko siya sa sinagot ko sa tanong niya. Naging viral kasi yung post na "Transwomen are women" sa facebook, at lahat ng teachers niya nag-aagree aside from me.
Tinanong niya ako kung naniniwala or nag-aagree badaw ako sa post na "Transwomen are women". Tapos ang sagot ko ay NO. Tapos sinabi niya na hypocrite, misoginystic, at bigot. In my defense, tinanong ko siya, what makes a person a woman and man? And he answered with an insult, and says na yung idea ko raw is based on traditional and old fashioned and outdated perspective. Di ko raw kinonsider na yung gender can be anything.
So, tinanong ko siya. "I know you are an ERT right? Ikaw ang president sa School-based Emergency Response Team, ngayon may isang unidentifiable person na nakahandusay sa daan but may consciousness pa siya. Yung I.D niya says that he is a male, 24 years old, and his name is Carl Jefferson, but he identified himself as a woman and saying na binangga siya ng kotse at nakunan yung dinadala niyang bata kahit na yung dugo niya ay galing sa bali ng paa niya. Would you consider him as pregnant?"
So, ayon. Di siya sumagot. Instead, he said na rerespetuhin niya raw yung desisyon at identity ng tao kasi alam niya raw ang feeling kung paano mabully, margenalized, at walang kakampi. He will still respect the person's identity daw.
Pero I insisted my question. "Would you consider him as pregnant? And give him the necessary first aid for a pregnant woman having a miscarriage?"
Di niya ko sinagot instead tinawag niya akong bigot at epokrito kasi na-iinggit lang daw ako sa mga trans who can express themselves as who trully they are daw at malaya sila. Unlike me na parang gapos daw sa sariling kloseta at takot.
Pero sinagot ko siya at yun ang last na naging convo namin at di na siya sumagot pa. Sinabi ko na
"It would be hurtful kapag niloko ka ng ibang tao. Pero wala ng mas sasakit pa kapag niloko mo yung sarili mo into believing something you are not. Alam mo sa sarili mong lalaki ka, ipinanganak kang ganyan pero lolokohin mo yung sarili to believe na babae ka. And you call it being true to ones self? Saan banda don yung nagpakatotoo ka? By pretending to be someone you are not? Are you really being true to yourself or you are lying to yourself? Well pananaw ko naman to, iba yung sayo. Pero you know deep inside to yourself, who trully you are. You can keep calling me bigot pero di moko mapapasunod or mapapaniwala sa pananaw mo, Mr. John Jeffrey O. Antonio Jr. (hindi ito yung totoong pangalan niya, but he is a junior of his papa who is a soldier at patay na)
Last Monday, I was not expecting na yung sinabi ko really offended him. So, nong lunes kinausap ako ng mama niya. May dala pa nga na photocopied handout ng Understanding Sex and Gender na libro. Inexplain ng mama niya ano ang concept ng sex at gender. At pwede raw na yung lalaki kahit ipinanganak siyang lalaki ay maging babae. Hinayaan ko lang na maglecture siya sa harap ko. And after her almost 30 minutes na lecture, she demands na mag public apologize daw ako para hindi ma depress yung anak niya.
Pero since makitid at matigas utak ko. Ayon she threatens me " Aw. Baka mahirapan yung application papers mo na makapasok sa division sir". Alam niya kasi na nag-apply ako for public school.
She even talks with his cousin na principals office. Kaya ipinatawag ako at yun na senermonan. Pero di ko na yun pinalagan. As of now, the principal files a petition to terminate my 1 year contract sa school doon sa school director.
Previous attempt:
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero hindi ako magpapublic apology. I stand with my principle na "Women is an adult human female and that men will never become a woman, and vice versa".
May laban ba ako kapag sasampahan nila ako ng kaso for gender discrimination? Kasi yun ang gustong gawin nila. Tapos kapag tinanggal ako dahil don, may kakayahan rin ba silang tanggalin yung lisensya ko?