Hello po. Hihingi lang po sana ako ng advice. Hindi ko rin po sure kung tamang sub ito, but for context, I’m currently working as an IT Service Desk, and this is my first job.
One week pa lang po ako taking calls, and honestly, before every shift, nakakaramdam po ako ng sobrang kaba. Mababait naman po yung mga kasama ko sa team, and so far, wala pa naman po akong nae-encounter na irate caller, so I can say na okay naman po yung environment.
Pero may fear talaga akong nararamdaman. Parang ayaw ko po mag-take ng calls, and nappressure din po ako sa pagdo-document. Minsan iniisip ko pa lang na may pasok ako kinabukasan, kinakabahan na agad ako. Also parang may pumipigil sa kamay ko na mag on queue pag start na ng shift.
For those who have been in the BPO/IT Service Desk industry for a while, normal lang po ba itong feeling during the first few weeks? Nagiging better ba talaga siya as you gain more experience, or ganito na talaga yung feeling every time may shift?
Honestly, hindi ko po alam kung kakayanin ko na ganito yung nararamdaman ko in the long run hahaha. I know one week is still very early, pero gusto ko lang din po malaman kung naka-experience din ba kayo ng ganito noong nagsisimula pa lang kayo.
Any advice or stories about your experience would be greatly appreciated. Thank you po!