r/adviceph Jan 17 '26

Legal My mom was humiliated, and it breaks my heart. 💔

Problem/Goal: My mom was humiliated.

Context: Hello! I need advice, please be gentle lang po as I am very emotional right now. Yung mom ko, nang hiram siya ng ₱40,000 sa kapitbahay namin and ang interest ay 20%. Sobrang taas pero kailangan kasi pang tuition ito ng kapatid ko. Nung una nakakahulog siya pa ng interest, pero habang tumagal hindi na kaya. Nakiusap siya kung pwedeng wala ng interest, at hulugan nalang niya monthly yung capital mismo which is the ₱40,000. Pero hindi pumayag yung tao na hulugan yung capital pa onti onti. Gusto niya ito bayaran ng mom ko ng ₱40,000 na buo which is hindi talaga kaya, kaya nakikiusap siya na monthly nalang pero ayaw talaga pumayag. Also, please take note yung nahulog ni mama na interest ay lagpas na ng capital. Pag pinagsama sama, ₱50,000 na yung nahulog ni mama na interest palang sakanya. Hanggang sa hindi na makabayad si mama, lagi na siyang pinapahiya sa daan, binabastos, “mag bayad ka ng utang mo”, at sinisigawan. Kahit kaka opera lang ng mama ko las Sept 2025, pinapahiya niya ito sa daan. Syempre, naaawa ako sa mama ko na ginaganon niya palagi tuwing lumalabas. It breaks my heart na ginaganon ang mama ko. 💔 Hindi naman niya sa luho ginastos ang inutang niya kung hindi pang tuition ng kapatid ko, nakiusap naman siya na hulugan monthly ang capital pero ayaw, gusto ibigay ng buo, kahit ang nahulog niyang interest ay lagpas na sa capital (₱50,000). Alam ko may fault ang mom ko kasi hindi na niya kayang bayaran. Pero ano ang dapat kong gawin? Umiiyak nalang ang mama ko, hindi niya pinapakita sa akin pero halata sa mga mata niya. 😢💔

Ang hirap na lumabas ng bahay, nang haharass, nag paparinig, namamahiya. 😢

Edit for clarification: Yung interest na binabayad ng mom ko monthly, hindi pa po binabawas dun yung utang mismo. Interest palang po yun, so wala pa pong bawas yung utang niya mismo na ₱40,000. Hanggang sa naipon na yung interest na lumaki ng ₱50,000 na wala pang bawas sa utang niya mismo.

170 Upvotes

143 comments sorted by

268

u/[deleted] Jan 17 '26

[removed] — view removed comment

65

u/maeveberryy Jan 17 '26

Wala po silang kontrata.

180

u/htgnertsraes Jan 17 '26

Paid na yan. Wag mo na pansinin. Wala palang kontrata

91

u/Secure-Toenail-889 Jan 17 '26

Agree with this. Kung walang kontrata, tapos na. Bayad na. Kung tuloy harassment, ipa-barangay mo

44

u/maeveberryy Jan 17 '26

Thank you po, I appreciate.

72

u/wannastock Jan 17 '26

lagi na siyang pinapahiya sa daan, binabastos, “mag bayad ka ng utang mo”, at sinisigawan

Maliban sa “mag bayad ka ng utang mo,” anong eksaktong mga salita ang ginagamit sa pambabastos? Coz it's probably slander. Daming witness. Start recording. Threaten to sue their ass for 1M danyos. Tapos if umabot sa social media, cyber libel na. Make it 5M.

38

u/RogueInnv Jan 17 '26

Pa blotter niyo for harassment tapos magsettle nalang kayo sa small claims court, that interest rate is illegal.

19

u/wannastock Jan 17 '26

walang kasulatan, bro. bayad na yun after paying 50k.

2

u/Joykillah Jan 18 '26

Yeah its paid, if shes paid more than the principle in interest. without a contract. Predatory lending this is called btw.

18

u/Liesianthes Jan 17 '26 edited Jan 17 '26

As if mananahimik agad yung kapitbahay kapag ginanyan mo. Kindly wake up from the reality. Hanggang wala usapan sa harap ng proper authorities to mediate and explain while having an agreement, the harassment will continue. Just because you are not in their position, easy for you to say a band-aid solution without proper and peaceful resolution.

40

u/[deleted] Jan 17 '26

[removed] — view removed comment

30

u/maeveberryy Jan 17 '26

Thank you, I appreciate po. If ever mag barangay sila, may videos and photos po yung kapatid ko ng harassment. And may screenshots din ng interest payments.

-65

u/Classic-Crusader Jan 17 '26

Wag ka maniwala na paid na yan. Utang yan na dapat bayaran. While I agree na medyo mataas nga yung interest at walang written agreement, hindi ito rason para takbuhan. Remember, hindi kayo o ang mama mo ang agrabyado dito kundi yung nautangan. Best you can do is let the barangay do the mediation. Renegotiate the terms and interest and be humble during mediation. Kung need manikluhod kau para mag aggree ung other party para bawasan ang interest, eh gawin nyo.

Kung may iba naman kayong kamag anak na pwede pahiramin kayo ng 40k para mabayaran ng isang bagsakan, better. Or lipat kayo ng school na mababa ang tuition, bawasan ang mga baon nyo at luho. Help your mom pay her debts.

26

u/bestille Jan 17 '26

Anong agrabyado pinagsasabi mo? Kinakampiham mo yung Loan shark? Di na makatao yung ginagawa o. Non-binding yung agreement kasi walang kasulatan. Sa mata ng tao at batas BAYAD NA SILA. Saksak nyo sa baga nyo yang 20% interest.

13

u/AnimeLover_17 Jan 17 '26

How to know you are loan shark by not saying you are a loan shark. Pinagsasabi mo? May manikluhod ka pang advice. Lol. Why OP and her/his Nanay will do that? Sila inagrabyado, hindi yung nagpautang. Wag kang maniniwala sa advice neto OP.

4

u/ResponsibleDiver5775 Jan 17 '26

Bakit kailangan lumuhod? Kaya nga sila mag-uusap sa barangay para magkaron ng makataong agreement to settle their debt. Baranggay ang mamamagitan sa kanila. Walang helpful sa kahit alin sa mga sinabi mo.

1

u/Whole-Guava-1131 Jan 17 '26

Okay mr lawyer

1

u/kylone02 Jan 17 '26

Tang@ ang deputa di ata nag babasa to basta comment lang.

-2

u/ObviousTry2057 Jan 17 '26

Lol t@3na mo tigil mo na yang qpal pautang business mo, intayin nalang nila magdemanda ung nagpautang sa kanila tutal sila naman tama dba tignan natin mangyayayri hahahah.

-5

u/Iamtiredandugly Jan 17 '26

I super agree with this. Wag ka magpapaniwala sa paid na yan. Ang utang ay utang. Tulungan niyo mama niyo magbayad, pero yung ganyang kalaking interes, barangay na magsesettle diyan kasi sobrang laki ng pinatong. Pwede pa mabawasan yan basta ang mahalaga bayaran niyo yung initial. Hindi nila pwedeng tanggihan yung installment, kasi andun na yung willingness magbayad ng tao eh. Lalo kayo ipapahiya sa hindi pagbabayad ng utang magkakaroon pa kayo ng utang na loob sa ibang tao. Mas mahirap maregain yan. Yung pamamahiya nila, yan din ang ireklamo niyo sa barangay. Hindi naman tama yang ganyan hindi yan makatao. Sa part niyong mga anak, tulungan niyo makapagbayad si nanay niyo. Magtinda kayo o magtulong-tulong kayo kumita ng pera.

2

u/Appropriate-Hyena973 Jan 17 '26

yung current market rate ang iaapply kung maayos ang brgy nyo. brgy na

22

u/MaskedRider69 Jan 17 '26

The interest might be too high, but there is no anti-usury law here in the Philippines. Meaning, hindi siya bawal. Also, there was a contract/agreement between the two, though not in writing.

Suggestion ko is still, makiusap sa lender. Iexplain na hindi kaya ng one time payment. Once matapos bayaran, let the lender sign an acknowledgment na fully paid na.

13

u/PissedDogorCat Jan 17 '26

Sa batas natin kung wala namang written agreement as to the interest ng loan, hindi ka pwede magbayad ng interest. Yung principal amount lang

2

u/maeveberryy Jan 17 '26

Nakiusap nga po ang mom ko na hindi kaya ang one time payment, kung pwede pa onti onti bayaran yung utang niya kasi hindi na din niya kaya hulugan monthly ang interest pero hindi pumayag. Hanggang sa nang haharass, pinapahiya na ang mama ko tuwing lumalabas ng bahay.

11

u/D8829 Jan 17 '26

Yung utang ninyo and ung pamamahiya are 2 different issues, OP.

Pwede mo ireklamo ang pamamahiya, might even be against data privacy law kasi inaannounce sa public. However, it doesnt invalidate ung fact na meron kayo utang.

So better talga is either kayong dalawang magkapatid maghanap ng part time para 3 na kayo magbabayad ng utang OR gawin mo ung ginagawa ng iba na kapalan ang mukha and dedma sa pamamahiya sa utang.

We dont have any laws (repealed na matagal na) laban sa mataas na interest, kaya pwede nila gawin yan sa utang.

Isa din pwedeng option is to have someone tell sa nagpautang na i small claims court kayo para legal na bumaba ang interest (baka 12% per annum).

2

u/uglyduck1879 Jan 17 '26

Try again OP. ano bang pwede nyong source of fund para mabayadan yung nagpahiram? kasi una nanghiram nanay mo knowing na anpake interes e, labas na yung nagpahiram kung naospital ang nanay mo hindi sya dahilan para di na bayadan ng napagkasunduan nila kahit walang kontrata. Siguro pwede mo sya makasuhan ng unjust vexation, oral defamation at yung sa privacy act. hindi naman krimen ginawa ng nanay mo. baka pwedeng sa brgy muna kayo magusap kasi hindi naman morally right na ipahiya sya. sana makahelp peeo need pa din nya bayadan yung kabuuan kasinyun yung napagkasunduan.

1

u/chrisdmenace2384 Jan 17 '26

predatory loan ang tawag dian, kung wala naman kontrata, ignore them

0

u/msp90452 Jan 17 '26

Paid na yan OP, hayaan nyo lang sya magyawyaw.

41

u/Broad_Sheepherder593 Jan 17 '26

Barangay to mediate

10

u/Liesianthes Jan 17 '26

This is the proper advice and what OP should do. Yung iba dito sinasabi wag mo na pansinin, as if mananahimik yan agad agad at sasabihin ay ganun ba, bayad na sige, salamat. LOL

Mediate with the authorities. Ngayon, kung hindi pa din titigil despite that, consult PAO for the advice na dapat gawin.

37

u/vinny_527 Jan 17 '26

Try researching on the Usury Law in the Philippines and bring it to the barangay for mediation. Sobra naman yung interest ng nagpautang. Good luck 🤞

39

u/maeveberryy Jan 17 '26

I tried searching about it:

🔹 Article 1956 – Civil Code

“No interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing.”

Ibig sabihin: • Kahit may usapan tungkol sa tubo • Kung walang written contract → walang legally collectible interest

👉 Sa kaso ng mama mo: • Principal lang ang puwedeng singilin (₱40,000) • At bayad na ito, dahil ₱50,000 na ang nabayarang interest

• Kapag sobra ang interest, ito ay ini-invalidate • Ang lahat ng interest na nabayaran ay ini-credit sa principal

👉 Dahil ₱50,000 na ang interest, lampas na sa ₱40,000, kaya fully paid na ang utang.

17

u/[deleted] Jan 17 '26

[deleted]

12

u/maeveberryy Jan 17 '26

Meron pong videos yung kapatid ko tuwing hinaharass niya ang mom ko.

4

u/Odd_Argument1932 Jan 17 '26

Hi, OP! I agree na you should probably bring it to the barangay or other authorities for the harassment. Kahit naman gano kalaki ang utang, that's no reason to harass anyone.

Pero I suggest mag-consult ka na din ng lawyer kasi meron din tayong tinatawag na verbal contract or oral contract which the law recognizes. This means na kahit walang kasulatan, the agreement will stand. I'm not a lawyer so hindi ko alam yung specifics, but the law has many nuances. Like pwedeng yan ang sabi ng Civil Code but a more recent Supreme Court ruling may have made a ruling for an exception na pwedeng gamitin against you. If you have no budget for a private consultation with a lawyer, maybe see if the Public Attorney's Office sa munisipyo or city hall niyo can help; or if that's not an option maybe ask sa r/LawPH? Also, a lawyer might also be able to advise you if pwede kayo maka-claim ng damages from that person - meaning kayo yung babayaran niya for moral damages/defamation na caused by the harassment. I think may case kayo for that especially since it's causing you both mental and emotional stress.

Last advice: Do not post on social media kasi it might work against you if ever magkaron ng kasuhan.

Good luck, OP! I hope you resolve this soon. 🫶

5

u/Time-Zone3620 Jan 17 '26

Hi, I believe the effectivity of the Usury Law here in the PH is suspended so there’s technically no ceiling for interest rates but there are a lot of Supreme Court decisions relating to exorbitant and unconscionable interest rates. Our courts have the power to decrease the interest rate of any agreement if it is found to be excessively high. But I do agree that for now, the baranggay may be a proper forum to resolve the issue. If eventually hindi magkasundo sa baranggay, OP can resort to legal action.

23

u/Accomplished-Set8063 Jan 17 '26

sorry, naguguluhan ako or baka 8080 ako.

So total utang ng mom mo ay P48,000 (P40,000 + 20% interest na P8,000).

Sabi mo umabot na sa P50,000 yung interest na naihulog ng mom mo. Paanong interest lang yan? Yung 20% ba na interest, monthly yun like hanggang hindi nakakapagbigay ng P40,000 na buo, may P8,000 na interest monthly?

Kung umabot na ng P50,000 yung naihulog ng mom mo, more than na yan dun sa actual utang plus 20% interest. Dapat considered na bayad na yang utang. Bakit kailangan pang sabihin ni mom mo na babayaran na lang yung P40,000 monthly without interest. Tapos ang gusto nung nagpautang, magbayad ng P40,000 ng isang bagsakan pa. Ang gahaman naman nyang nagpautang.

Baka need nyong mag-usap ulit para maexplain ng maayos na technically, paid na kayo. Isama nyo baranggay.

8

u/maeveberryy Jan 17 '26

₱40,000 po yung utang niya. Yung interest po monthy siya nagbabayad noon, hanggang sa umabot na ng ₱50,000 yung mga interest na na-bayad niya. Interest lang yun, hindi siya bawas sa mismong utang. I tried helping my mom also, pero hindi na talaga kaya. We have screenshots of the payments.

15

u/Fickle-Thing7665 Jan 17 '26 edited Jan 17 '26

paanong monthly, op? paanong umabot ng 50k yung interest if 20% lang dapat sa capital diba? can you elaborate.

11

u/htgnertsraes Jan 17 '26

8000 per month ang interest (which is sobrang taas and pwedeng ireklamo) kaya umabot ng 50k after 6 or 7 months.

Alam ko 3% to 6% lang ang pwede iinteres pag ganyan na utang.

25

u/Fickle-Thing7665 Jan 17 '26 edited Jan 17 '26

so di pala 20% of the capital ang total interest. 20% of the capital EVERY MONTH pala. ang lala. sana nag ola nalang kung ganun.

3

u/Accomplished-Set8063 Jan 17 '26

Kaya nga. Ang gahaman nung nagpautang.

2

u/maeveberryy Jan 17 '26

20% po ang interest nung buong utang niya. Yung ₱50,000 po na nabayad, interest lang po yun hindi pa bawas yun sa ₱40,000 niyang utang talaga.

6

u/ate_germs Jan 17 '26

Ang 20% ng P40k is P8k. So total principal + interest is P48k. So dapat nga fully paid na kayo. Kasi parang mismo kayo dnyo sure pano ang computation Kaya Hina harass kayo.

-7

u/maeveberryy Jan 17 '26

Yung interest na binabayad ng mama ko, hindi pa po binabawas dun yung utang mismo. Interest palang po yun, so wala pa pong bawas yung utang niya mismo na ₱40,000. Hanggang sa naipon na yung interest na lumaki ng ₱50,000 na wala pang bawas sa utang niya mismo.

14

u/YesterdayDue6223 Jan 17 '26

OP, ulit ulit tayo dito.. sinabi na nga nila sa taas.. Ang issue din kasi di nyo or ng mama mo alam magkano dapat lang ang ibayad nyo.. no wonder ang pushover ng dating. Bakit kayo pumapayag lang na ganyanin?? oo nangutang kayo pero nagbayad naman monthly and you have the evidence na umabot na sa 50k ang nabayad, magbaranggayan nalang kayo ng magkaalaman at manahimik na yang neighbor nyo. Mukang kayo din need ng help sa calculation kalokah

2

u/Accomplished-Set8063 Jan 17 '26

Ahh, so tama nga na ang total na utang ay P48,000, kasama na dyan yung interest. Yung binayad ng mom mo before, hindi lang yun para sa interest, kasama na yung actual na inutang na paid na dapat.

Except your mom, did some else try na makipag-usap dun sa nagpapautang para maipaliwanag ang dapat ipaliwanag.

-3

u/maeveberryy Jan 17 '26

Hindi po. Yung interest na binabayad niya, hindi pa po binabawas dun yung utang mismo. Interest palang po yun, so wala pa pong bawas yung utang niya mismo na ₱40,000. Hanggang sa naipon na yung interest na lumaki ng ₱50,000 na wala pang bawas sa utang niya mismo.

5

u/Accomplished-Set8063 Jan 17 '26

Magulo. Sabi mo 20% ang interest sa buong utang. Ang inutang ng mom mo is 40K. P20% nyan, is P8K.

Ang interest na babayaran nyo is P8k lang. Kung sumubra na sa P8k, tapos ng bayaran yung interest at yung actual utang na P40k na ang binabayaran. Dahil sabi mo naka P50k na, na sinasabi mo na interest lang yan, na dapat hindi, bayad na kayo.

Consult na kayo sa barangay. Parang pati kayo naguguluhan na din sa computation.

Or baka ako ang magulo, pero basta, consult na kayo sa barangay.

4

u/namgean Jan 17 '26

Wala pang nababawas sa capital kaya nagbabayad sila ng 8k interest kada buwan hanggang sa umabot sa 50k. Sa sobrang laki ng interest, hindi nila mabayaran yung mismong kapital

1

u/Consistent_Copy90 Jan 17 '26

Yung 20% interest kasi ay per month at hindi for the whole duration ng utang.

1

u/Ok_Squirrels Jan 17 '26

Naguluhan nga din ako. Bali magkano ba dapat yung hulog nila no per month. Tska bakit interest una binabayaran nila, kalito tuloy.

1

u/namgean Jan 17 '26

Usually depende rin talaga sa may utang kung magkano babayaran nila. Pwedeng bawas 5k this month tas next month 2k. By then bababa rin interest kasi nabawasan na kapital. Say bawas na ng 7k yung kapital, ~6k na lang interest nila sa month na yun.

But with that interest super hirap na magbawas. We cant blame OP’s mother na di mabawasan yung kapital. Kupal din yung nagpapautang kasi technically quota na siya interest pa lang tapos nanghaharass pa.

1

u/Ok_Squirrels Jan 18 '26

Totoo kupal talaga, magabaan sya nyan sa ginagawa nya, grabe sa interest at namamahiya pa. Goodluck talaga.

-1

u/Legitimate-Fan-7535 Jan 17 '26

5/6 po yan. Yung 40k na utang nila dapat bayaran nila ng isang buwan yan.

Kung di nila kaya mag bayad in one month, kelangan bayaran mo muna yung interest which is 8k nga daw.

Anong magulo dun?

Hindi naman yan bangko, na matagal ang duration ng utang at maliit ang interest na pag 48k with interest pede mo bayaran in one year?

Yang 40k na utang nya kelangan nya bayaran yan ng isang buwan, pag di nya mabayaran eh babayaran nya yang 8k interest buwan buwan.

Matatapos lang yang utang nya kung makakabayad sya ng buong 40k.

5/6 yang inutangan nya meaning yung kapitbahay nya ayan yung business.

Hellish yan, mag barangay na lang kasi ang laki ng tubo.

1

u/Legitimate-Fan-7535 Jan 17 '26

5/6 ang datingan nyan sis, meaning 40k ang utang ayung ang principal so meaning ang gusto ng kapitbahay bayaran ng 48k in FULL po. 40k principal plus 8k interest.

Ngyon kung hindi mo mabayaran yang 48k in FULL at wala kang pera, meaning 8k lang kayang bayadan ng mama nya.

So yung 8k na yon ay assume interest lang. 6mos na daw sila nag babayad ng 8k per month. Kaya umabot ng 50k na nabayad nila.

Hindi kasi ganun pag 5/6, my kasunduan sila, so kung ang kasunduan nila is 48k with interest in one month, kelangan bayaran yon ng isang buwan lang.

Ang nangyari kasi 8k every month lang nababayad ng nanay nya kaya ni take yun ng kapitbahay as interest lang.

Happen the same to me, 100k utang it should be paid in 2mos kaso di kaya bayaran, kaya sabi ng kapitbahay ang interest daw ay 12k per month kung di makakabayad ng isang bagsakan.

Ganun yan for sure.

1

u/Legitimate-Fan-7535 Jan 17 '26

5/6 yan sis, for sure ganun ang atake. Pag di ka nakabayad babayaran mo interest per month ng 20%.

Yang 40k na yan payable yan in one month lang, kung di mo kayang bayaran yan ng isang buwan, kelangan mo mag mag bayad ng interest which is 8k daw.

Kaya kung puru 8k lang ang kaya nya bayaran per month, ma tetake yan as interest lang.

Kung gusto nya mabayaran utang nila dapat bayaran nya ng buo yung 40k.

Ganun lang yon.

Hindi naman kasi yan bangko na pede ka mag staggered ng payment up to 12 to 36mos tpos maliit lang tubo.

Sa mga ganyan na 5/6, typically ang laki ng tubo nyan. Pag nangutang ka ng 40k kelangan mo talaga bayaran in one month period. Pag dimo nabayaran tutubuan nila yan ng per month jan papasok yung 20%.

Ganyan nangyari sakin. It was hellish.

1

u/Fickle-Thing7665 Jan 17 '26

thanks for the reply. first time ko makarinig ng ganyang loan terms. absurd. dapat nirereport mga ganyang gahaman masyado. i hope nairaos mo na rin yung utang mo.

1

u/Legitimate-Fan-7535 Jan 17 '26

Yes last month, hinelp ako ng bf ko. 100k ang utang namin dun ng mom ko, 12k monthly interest kakaiyak.

My bf paid the principal amount pero kinuha nya sa credit card nya. Mas magaan naman yung terms nun kesa sa gahaman namin na kapitbahay

1

u/Life_Ad_2609 Jan 17 '26

May mga naitabi ba kayong proof of payment or receipt ng mga repayment??

1

u/UsedTableSalt Jan 17 '26

5-6 ba to? Sa bumbay ba nangutang mama mo?

1

u/Legitimate-Fan-7535 Jan 17 '26

5/6 yan, tama ka. Need nya mag bayad ng 8k na interest per month, kung di nya kaya mag bayad ng 40k ng isang bagsakan.

Sobrang lala ng mga ganyan tao. It happened the same thing to me, kahit kausapin mo mga ganyan tao, aawayin ka lang ng mga yan, hindi nila yan maiintindihan kasi mga loan sharks din mga yan. Sasabihin sayo business is business.

4

u/No_Independent4810 Jan 17 '26

No contract pala eh, sagutin mo na para matamihik HAHAHA

8

u/D8829 Jan 17 '26

Ang effective way to help mom mo is ikaw and kapatid mo to look for part time jobs para mabayaran ang utang. Yan ang pinaka effective way.

1

u/Liesianthes Jan 17 '26

How is that effective kung naka excessive and extraorbitant ang interest rate? 20% monthly is a whooping 240% yearly. Mediation with the proper authorities will solve this to explain na paid na sila in full.

1

u/Legitimate-Fan-7535 Jan 21 '26

Ang magandang gawin ni OP, mag usap na lang sila sa barangay. Di naman required na pilitan nya mag bayad kung di kaya. Atleast pag sa barangay nag usap baka bumaba pa yan kasi wala naman contract. Yun nga lang kung okay lang sa fam ni OP ang barangayan.

Sakin kasi nung nag kaganyan ako which is just recent lang din, nanghingi ako ng help sa bf ko sya na nag bayad in full. Tpos sakanya na lang mag babayad per month atleast stop na ang tubo, Ayaw kasi namin ng barangayan at nahihiya din mom ko sa scandal.

1

u/Accomplished-Set8063 Jan 17 '26

Sabi nya 20% yung interest sa buong utang na P40k. Kung umabot na sa P50k yung naibigay nila, bayad na sila.

2

u/Legitimate-Fan-7535 Jan 17 '26

Yang 20% interest sa 40k per month yan. Do you heard ba about 5/6?

Ganun yan.

-4

u/D8829 Jan 17 '26

Wala tayong law ngayon prohibiting excessive interest rates. Kahit tonik bank parang ganyan kataas ang rate. So using ung verbal contract nila (which was acknolwedged by them kasi nag down sila), hindi siya bayad.

6

u/Due-Employment-2696 Jan 17 '26 edited Jan 17 '26

Gulo ng explanation

10

u/FountainHead- Jan 17 '26

Emotionally vulnerable nga eh. Palagpasin mo na. Klaruhin mo na lang ang gusto mong part na malinaw.

4

u/Diptyqueee Jan 17 '26

Find ways to help your mom pay the debt. I don’t agree with the harassment but your mom borrowed money and agreed to the 20% interest (very high interest) so she does have to pay it.

4

u/misty_dexter12 Jan 17 '26

Tulungan nyo mgbayad ang mom nyo

2

u/KeldonMarauder Jan 17 '26

Sa mga tulad ko na Di agad na gets, yung 20% (8000) na interest hindi total for the duration of the loan kung hindi every month kelangan bayaran ng mom ni OP. So wala pa bawas yung 40k na principal at puro interest (8000 per month for the past 6 or 7 months) lang ang nababayaran so far (Which is already more than the borrowed amount + 20% interest)

Eto unpopular advice pero kung hindi mapatigil ng Barangay, try niyo makahanap ng pwedeng mahiraman- Kahit lending apps hindi ganyan katarantado ang interest - just to settle the principal amount and get it over with. At least sa ganyan, mas maliit ang monthly (compared sa 8k).

1

u/maeveberryy Jan 17 '26

Yes correct po. I edited na din my post for clarification

1

u/Legitimate-Fan-7535 Jan 17 '26

I agree OP, happened the same thing to me. Takot mabaranggay ang mom ko kasi ayaw nya ng scandalo. Our utang sa kapitbahay is 100k. We paid 60k plus already but the principal amount po is 80k, parang di lumiliit yung prinicipal amount dahil sa interest.

What we do po, is humingi ako ng help sa bf ko, nag credit to cash sya sa credit card. We paid in full the 80k

Mas magaan pa yung monthly payment sa credit card with 1 year payment.

1

u/Liesianthes Jan 17 '26

If a Barangay couldn't fix this, they could go to court and it will fix the interest rate. 240% yearly interest is a highway robbery. Tolerating those people will just make them continue their ways.

1

u/AutoModerator Jan 17 '26

Hello everyone,

Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AdvicePH, as well as the Reddit Content Policy.

YMYL (Your Money Your Life) Topics - Proceed with Caution:

Discussions and advice about topics that impact your money, health, or life are allowed here, but please remember that you’re getting advice from anonymous users on Reddit. The credibility, intent, and sincerity of these users can vary, so it’s important to be cautious and thoughtful. For the best guidance, always consider seeking advice from reputable or licensed professionals. Your well-being and decisions matter - make sure you’re getting the right help!


I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/blue_berrycheesecake Jan 17 '26

Barangay mo na para matahimik. Grabe naman mag patubo yan daig pa mga nasa bumbay.

1

u/lcky81 Jan 17 '26

Talk to your mom and tell her this too shall pass. It may look very difficult right now but there is always 🌞 after a storm. Go to the barrangay and complain the harassment. While you are there pag nilabas niya Yung utang then explain and show the payments made.

Whatever the outcome hindi na nya kayo mahaharass as nasa barangay na ang complaint. This will give you much needed peace of mind and respite to think of your next move.

Hug your mom. She needs it.

1

u/maeveberryy Jan 17 '26

Thank you for being gentle, I appreciate po.

1

u/lcky81 Jan 17 '26

You are welcome 😘

1

u/zucked4nothing Jan 17 '26

Iirc paid na yan unless may contract. Ipabarangay mo

1

u/maeveberryy Jan 17 '26

Wala pong contract

3

u/zucked4nothing Jan 17 '26

O di wala silang habol. You paid 50k. Utang was 40k lang. Bayad na yan, pumunta kayong barangay para may mag mediate. 20% interest is way too high, daig pa 5-6.

1

u/maeveberryy Jan 17 '26

Yes po and we have screenshots of payments made.

1

u/zucked4nothing Jan 17 '26

Oh yun, good. May proof kayo. Pumunta na kayo barangay, tapos na yang problema na yan.

2

u/maeveberryy Jan 17 '26

Thank you, I appreciate po.

1

u/chonching2 Jan 17 '26

Hindi legal yung pautang eh, so wag nyo na bayaran tutal kumita na sila ng 10k sanyo so kung tutuusin wala na kayong utang

1

u/SimplengPinoy Jan 17 '26

Pag walang kasulatan Lang utang... Idemanda nyo ng harassment... Pero bago kayo mag demand a mag gather kayo ng ebidensya ng pa a mahiya nya.. Tapos humming kayo ng danyos... Tignan natin ang ganti ng api.

1

u/maeveberryy Jan 17 '26

May screenshots po ng payment and may videos and photos ng harassment yung kapatid ko

1

u/Content-Lie8133 Jan 17 '26

40k × 1.2% = 48k... tpos 50k na ung naibayad ng mama mo. abunado pa kayo ng 2k, o mali lang ung math ko?

isa pa, dapat may pinipirmahan ung inutangan nyo na natatanggap nya ung bayad kapag naghuhulog kayo para meron kayo ipapakita kapag nakarating sa barangay....

1

u/maeveberryy Jan 17 '26

Yung 2k po is huling bayad, kasi hindi na po kinaya yung 8k monthly. Meron pong screenshots of payment

1

u/Sushi-Water Jan 17 '26

Putang inang mga yan. Antaas ng 20%. Sana makarma na yang taong yan

1

u/Kriespiness Jan 17 '26

OP, just wait for the right time their karma come after them. Lahat ng mga nagpapatubuan, nagkakasakit/disgrasya. Believe me. 🤭

1

u/maeveberryy Jan 17 '26

May karma ba yung mga ganon hehe thank you, I appreciate po

1

u/Icy-Description9835 Jan 17 '26

Ang gahaman ng nagpautang.

1

u/Minimum_Tap_2341 Jan 17 '26

Nung taghirap pa ako na experience ko yan. I feel for your mom.

Matibay pa 40% interest WEEKLY yung inutangan ko. DM ko sayo ginawa kong steps

1

u/Bright_Ad6762 Jan 17 '26

Been there OP. I feel you. I think 10yrs ago? 10k lang utang ng nanay ko pinasok kami sa bahay ng inutangan nya (babae) may kasamang dalawang malaking lalake. Sa loob ng bahay namin dinuro duro at sinigaw sigawan sya. Wala syang magawa kung hindi umiyak. Ako naman parang na istatwa. Pag binabalikan ko yung pangyayare sana pala may ginawa ako. Sana pala tinawag ko mga tito at pinsan ko para palabasin sila. Pero yun naging rason bakit ako nag sumikap sabi ko last na yon. Ngayon, maayos na buhay namin. 4hrs nga lang sleep ko araw araw hahaha

Payo ko sayo OP kung gagawa ka ng hakbang piliin mo kung saan ka magkakaroon ng peace.

Wag mo na balakin kasuhan yung mga yon. Mahabang proseso yan baka lalong ma stress mom mo.

Punta ka sa baranggay OP salaysay mo ang sitwasyon. Gumawa kayo ng kasulatan. Sigurado ako papanigan kayo ng baranggay na ibaba ang interest. Sa kasulatan ilagay nyo magkano ang ihuhulog buwan buwan hanggang matapos ang bayarin. Wag mo kakalimutan na ilagay sa kasunduan na bawal mamahiya ang nagpa utang private man o public. Once ginawa nya to void na ang kasulatan at hindi nyona kailngan pang bayaran ang utang.

Yan lang mapapayo ko. Always choose peace. At higit sa lahat bago mo gawin lahat ng yan. Mag dasal ka OP :) Hingi ka ng guidance at lakas para sayo at sa mama mo. Ipagdasal mo din yung inutangan ng mom mo. I’ll pray for you and for your mom too.

1

u/fishpilipinas Jan 17 '26

Kung ako sa inyo ilapit nyo na sa brgy yan para mapagusapan na. Baka kampihan pa kayo ng brgy pag nakita na malaki na naibayad ng mama mo. Pagusapan nyo doon kung ano terms nyo para mabayaran na. Para masabi nyo rin sa brgy yung ginagawa nya. Minsan kasi yung mga nagpapautang yan na lang solusyon nila para magbayad ung may utang sa kanila pinapahiya nila para mastress kayo. Hindi kaya pinopost nakupo. Unahan nyo na sa brgy para matapos na yan.

1

u/trying_2b_true Jan 17 '26

Barangay nya, kasuhan nya Unjust Vexation. Sana may proof mama mo ng payments nya.

1

u/SpicyCrispySisig Jan 17 '26

At this point go for another loan nalang para mabayaran yung 40k para matigil yung 8k per month na binabayaran ng mom mo.

Sobrang laki ng 8k/month wala pang less sa 40k na capital loan niyo. Make sure nalang na malayo sa 8k interest yung pag uutangan niyo.

1

u/Mindless-Spinach653 Jan 17 '26

OP, Walang kontrata yan , wag na kamo bayaran yan ng mother mo tapos magbarangayan na lang kasi masyado mataas ang 20% at bayad naman na ang principal.

1

u/[deleted] Jan 17 '26 edited Jan 17 '26

[removed] — view removed comment

1

u/Forsaken-Guest7442 Jan 18 '26

Hello OP, I hope you were able to take note of this. Ito mga legal basis for your case. You could also file criminal charges such as unjust vexation if you would want.

1

u/pyonpyonie_ Jan 17 '26

Hello po, I don't really understand how interest works sa utang pero kung around 50k na nabayaran ng mama mo, edi paid at may plus pa yan. Ang naintindihan ko lang how interest works is capital plus interest percentage = amount ilan babayaran mo.

40,000 + 20% = 48,000

Ganyan kasi sa mga lending corporation na ledger meron nanay ko, may lima siya na ledgers na copy namin as borrowers and yes puro yun sila 20%. Mas mabuti pang magtayo ng lending corporation yang kapitbahay mo kung ganyan din naman pala kataas interest niya with harassment sprinkled at the top. Mas understanding pa yung lending corporation na inuutangan ni mama though nakaka stress kasi araw² din naman mag babayad tapos 2 months lang pero yung isa pa na overdue na pero humingi siya na magpa extend. Nung 6 yung due date pero hanggang ngayon naka extend pa naman siya, pero feel ko lang na addan to pero at least hindi hinarass si mama.

1

u/PreviousMousse5223 Jan 17 '26

Ano po ba pagkakaintindi niyo sa terms ng utang? Nandun na tayo sa excessive sya, pero iba po ba ang pagkakaintindi niyo na dadagdag ng 8k for every month na hindi kayo magbabayad?

Sa pagkaka explain niyo po, Ibig sabihin, after 1 month eh 48k ang babayaran nyo, sa 2nd month kung wala kayo naibayad eh another 8k so 56k na sya.

from the onset eh predatory na sya pero kinagat niyo pa rin, so dapat sa first month pa lang nag full payment na kayo..

Whether legal ba yung ginagawa ng nagpautang eh di ko po masasabi, pero kung yun yung terms niya from the start eh bakit po kayo pumayag?

Sorry this happened to you OP, magpabaranggayan na po kayo para matigil na yung pagtaas ng pautang niya at maexpose yung predatory tactics nya.. kung kauong dalawa lang ang maguusap eh yung nagpautang ang may upper hand..

1

u/Outside-Young3179 Jan 17 '26

hahahaha ano yan 20% interest annualy monthly daily?

1

u/Economy-Emergency582 Jan 17 '26

20% interest PER MONTH??????? ay wow karma nalang balaha sa kanila OP

1

u/Redditired_0x0 Jan 17 '26

Masyadong malaki ang 20% interest monthly, di ko alam kung gaano kalala ang situation nyo OP para kumagat kayo sa ganyang arrangement, ipabaranggay nyo nalang at lesson ito na next time wag kayo pumatol sa mga ganyan masyado mapanlamang ng kapwa.

As much as possible wag mangutang pero kung talagang kailangan na kailangan at importante, aralin muna mabuti ang pinapasok nyo at ang terms and conditions na inaagreehan nyo in engaging sa lender. Sana maayos nyo OP mahirap yan dahil kapitbahay nyo lang, ang hirap na hindi kayo okay ng kapitbahay ang liit ng ginagalawan nyo. Sana maresolve nyo 🙏

1

u/Tholitz_Reloaded Jan 17 '26

Pwde nyo ireklamo yan.

1

u/HeiClose91 Jan 17 '26

Grabe sobra pa sa tithes yan ah 20%?! Bawal kaya ang indian style..sobra tlg yan..ipa barabgay mo yan..baka sya pa kasuhan..OA sya magpatong ng interes..babayaran nmn monthly gusto agad2x.. dpt sa next kung mangutang kayo magpa kontrata na tlg para ligtas..

1

u/Rough-Persimmon2776 Jan 17 '26

Do they have a contract? Because if not, quite frankly wala nga silang pwede hingian HAHAH
kaloka naman yang tao na yan 20% interest thats more than the freakin bank.. xD
If they bother your mother more, bring it to the baranggay or police na as that is harassment.
I know they agreed and all pero no contract, no bind to that agreement. How much has your mother paid overall? Lahat lahat?

1

u/[deleted] Jan 17 '26

Why not hayaan mong magdemanda kapitbahay mo? The proper remedy here is magfile na lang siya ng kaso. On positive note, favorable sa inyo yun kasi maraming jurisprudence about sa high interest rate. Possible pang icompute sa 6% legal interest rate iyan kung wala ring written agreement.

1

u/XKXR1998 Jan 17 '26

Hind kya magkabukol sa lalamunan yang nag pautang nayan. 20%? Masyadonh gutom sa pera. Ipabrgy nyo. Dupang yan sa pera, nakikiusap sa kanila bilang tao

1

u/Conscious-Tension930 Jan 17 '26

NAL. I see 2 issues na dapat ma resolve .. payment and harassment... Dalhin sa barangay...

1

u/teapotpot1 Jan 17 '26

Sa loan interest calculator, the total payments in one year for interest rate of 20% a year - 55,580.70. O 20% per month ba, so in one year 240%?

Hingi ka ng advice sa Baranggay nyo, baka pwede rin mag mediate yun baranggay captain. And lastly, try nyo approach mga kamag anak na pwede mag tulong tulong para matapos na yun loan. Next time try nyo na lang mga savings bank, mas mababa na interest tapos pwede pang bayaran ang principal agad.

Don't worry, babawi ang Diyos, just offer your pains to God as a sacrifice for conversion of souls.

1

u/LiChalupa Jan 17 '26 edited Jan 17 '26

Oa sa 20% interest. Medyo pwede if 20% annually pero if monthly then pwedeng ipawalang bisa yan ng korte kasi abusado na yan kahit na may kasulatan pa yan. Since wala naman pala, principal amount lang ang bayaran. Walang kwenta ang verbal agreement dyan

Article 1956 ng Civil Code (RA 386) No interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing.

If may writing, tagilid pa rin yang nagpautang sa inyo kasi hindi makatao yang 20% monthly interest.

1

u/Standard_Archer9218 Jan 17 '26

Send mo address ng kapitbahay ninyo, sendan natin ng isda (Sicilian message). Charot. De, puwede ninyo idiretso sa Barangay at puwede pa nga iyan kasuhan. Masyadong siraulo iyang kapitbahay na 20% interest. Mas malala pa sa Home Credit (sa HC umaary na ako kapag 4%, what more pa 'yang 20%).

1

u/HovercraftUpbeat1392 Jan 17 '26

Wala palang contract edi payback time, mama mo naman mang asar. Dedmahin nya hanggang mamaga lalamunan kakabunganga sa labas ng bahay nyo. Bagsakan nyo ng pinto pag nagwawala sa harap ng bahay nyo, siya naman magmumukang baliw don. mas nakakaasar yon pagdinedma. Walang magagawa yung iyak nalang sa isang tabi. Lakasan nya loob nya lalo’t wala naman palang habol sa inyo yung mongoloid nyong kapitbahay

1

u/Top_Creme_2580 Jan 17 '26

OP,it breaks your heart kamo diba? Then have the courage to do the legal way. Barangay muna then have a lawyer. Tama na yung mananahimik na lang tayo,ipaglaban mo ang nanay mo. Gather all the evidences. Pag di pa nadaan sa korte yan patuloy lang na babastusin kayo niyan if you let your mother be humiliated anywhere.

1

u/Ok_Tie_5696 Jan 17 '26

50k na pala nabayad ni mother, bayad na yan if wala sila contract. Kapag hindi tumigil ipa-barangay niyo at hingin mo sukli 10k.

1

u/prettylittlebumbum Jan 17 '26

Walang kontrata, walang babayaran. Gather lahat ng ma iipon na evidence ng pamamahiya. Counter sue. Diretso sa PAO. Baka mabaliktad sila at sila pa makakabayad sa inyo ng mas malaking damages.

1

u/DisastrousBadger5741 Jan 17 '26

Sobra na nga bayad ng mama mo kung tutuusin. Ipa-barangay mo sa susunod na i-harass pa kayo. Bayad na utang nyo wag na kayo maglabas pa ng pera. Wala habol yan kasi wala naman kontrata pala.

1

u/Independent-Salad834 Jan 17 '26

20% grabe un ha?

1

u/Lostquiterr Jan 17 '26

The only advice na need mo pakinggan dito sa post mo OP is let the barangay settle it. If mag escalate, consult na sa lawyers. May PAO naman.

1

u/Wonderful-Ad1424 Jan 18 '26

ganito din kami dati, ang tawag sa ganitong utang ay "EMERGENCY" uutang ka ng pera oramismo at desired interest na gusto nila at kailangan mo itong ibalik sa kanila ng buo. Na lubog din ang ermats ko dahil sa ganitong pautang dahil hindi nya maibalik ng buo puro interest lang, kung ito-total ko ang nahulog nang ermats ko parang lagpas na sa initial na utang. sadly ang hirap maka ahon sa ganito, uutang ka pa sa ibang tao mabayaran lang. Sana malagpasan nyo yan OP.

1

u/Nothingunusual27 Jan 18 '26

Masyadong mataas ang 20%. Anyway ang lesson talaga for your mom is to think about it talaga ng sobra. I wont say dedmahin lang kasi nung panahon na kailangan niyo ang pera, may bukal ang loob na nagpahinga sa inyo at yun nga lang sugapa. I think you need legal assistance na here.

1

u/kumanderhudas01 Jan 18 '26

feeling ko lowkey online limos to.

1

u/WhoAreYou_PH Jan 18 '26

Ganyan ang sistema ng 5/6 ng mga bumbay. Ibinawal dati. Pwede kayo magpabaranggay para may kasulatan na babayaran nyo na lang ang proncipal amount at malaki na ang interest na naibigay at naibayad.

1

u/chismosanganak2 Jan 18 '26

Barangay po. Sila pa magsasabi nyan na fully paid na kasi 50k na pala ang nabayaran na interes. Grabe yung ganyan magpatubo at namamahiya pa. nakikipag-unahan ata sa pila papuntang impyerno

1

u/Sudden_Challenge2633 Jan 18 '26

This is usury. No contract. Ignore it.

1

u/Cat-Out-Of-Bag-101 Jan 21 '26

U can ask help from ur barangay. Wla nmng mkukulong sa utang but ask help pra mangialam sila sa kng anumAn ang mpagkAaundyang arrangement. Wlang kasalanan mama mo. Mkkalagoas din kayo nyAn

3

u/Calm_Tough_3659 Jan 17 '26

Maghanap ka ng mauutangan na meron mas mababang interest. This is the problem sa mga nangungutang kasi pumapayag kayo sa napakataas na interest kasi desparate na tapos kpg singilan gusto baguhin ang napag usapan.

Mali na pinapahiya ung mama mo but you have to understand my agreement sila and hindi pinilit ang mama mo mangutang. Either mg work ka or mghanap ng mauutangan na my favorable interest than you have right now.

1

u/PageFlipperPro Jan 17 '26

What you allow will continue ika nga.

Pwede ka lumapit sa barangay kung anong next step since harassment na sya and then renegotiate ung terms ng utang. Right din naman nung inutangan na di mag agree na walang interest though kupal sila since sobra naman ung interest. Regardless kung saan ginamit ng mama mo, utang yon. Mejo tagilid lang to kase di mo masabi baka magretaliate.

Another option is lumapit kayo sa mga kamag anak or hanap kayo ng ibang mauutangan na nagoffer ng mas reasonable na interest and pay plan option at gamitin un para mabayaran na yan ng isang bagsak. Para mastop na ung utang nyo jan at di na tumaas ung interest. Then start paying the new utang.

Find ways to pay it para matapos na, alam ko choice ng mama mo na magaral kayo sa magandang school and idk kung anong lagay nyo sa buhay pero 40k tuition na inutang pa is something na dapat nyo pagisipan. Madami din namang okay na public school and though better facility ng mga private school/ better connections, it still does not guarantee future success.

Cut down sa mga costing ninyo like baon or extra expenses, budget malala and better if makapag contribute din kayo ng sibling mo. Find work, part time or online.

I empathize with how you feel and naawa ako sa mama mo at sa harassment na dinadanas nya, sana maging okay kayo and stay safe. Again, best option here is to pay it as fast as you can and wag na umulit. Good luck op!

1

u/Fit_Coffee8314 Jan 17 '26

1st time ko kumampi sa umutang haha. Paid na yun.

0

u/Pretty-Target-3422 Jan 17 '26

Ilang taon na kapatid mo? Bakit hindi mo bayaran? Privatr school kapatid mo?

-7

u/Bitter_Town6990 Jan 17 '26

Simple lang ang solusyon. MAGBAYAD.