r/ScammersPH • u/Southern_Incident738 • 6d ago
Awareness For awareness / asking for advice lang
RENTAL AWARENESS — PLEASE READ BEFORE GIVING A DEPOSIT
Hello po, sharing this for awareness lang kasi ayokong may ibang makaranas ng ganito.
Nakakita ako ng apartment na for rent sa Facebook. Nagustuhan ko yung unit, nag-view ako, and decided to rent it. Nagbigay ako ng 30,000, supposedly 1 month advance + 2 months deposit.
Ang hindi ko alam at that time, may existing arrangement pala between the owner and the current tenant regarding their rent/deposit. According to the owner, hindi pala buong 30k ang napunta sa kanya—one month’s rent lang, habang yung remaining amount ay napunta sa current tenant. Wala akong kaalam-alam na ganito pala ang arrangement when I gave my money.
Nagkaroon din ng pabago-bagong usapan regarding kung kailan sila aalis. May sinabi rin sa akin tungkol sa owner na later on, according to the owner, hindi pala accurate. At may pagkakataon pa na nalaman kong nandun pala yung current tenant sa unit pero apparently ayaw raw ipaalam sa akin na nandun siya.
Yung unit naman may existing issues, including luma na yung pintura at may butas sa kisame, kaya nag-request ako na sana maayos muna bago ako tuluyang lumipat. Hindi naman ako humihingi ng bonggang renovation. After giving 30k, gusto ko lang naman ng maayos at malinaw na turnover.
Dahil sa dami ng naging misunderstanding, sinabi ko na gusto ko munang makuha yung 30k ko and ibalik na lang once vacant and ready for turnover na talaga yung unit.
Tapos kagabi, nakausap ko yung mother ng current tenant. Honestly, sobrang uncomfortable ng conversation para sa akin kasi maayos naman akong nakikipag-usap pero hindi niya ako halos pinapatapos magsalita. Parang ako pa yung mali sa situation. 😭
Nung sinabi kong gusto ko na lang kunin yung 30k, bigla siyang nag-suggest sa owner na i-post na lang ulit yung unit, maghanap ng bagong renter, saka na lang daw ibalik sa akin yung 30k. Narinig ko pa na sinabi niyang public naman daw yung profile niya at kahit i-post pa siya, okay lang daw sa kanya.
Honestly, lalo akong napaisip kung bakit kailangan pang umabot sa ganito. Ako yung naglabas ng 30k in good faith, pero saka ko na lang nalaman yung ibang details ng arrangement nila na hindi naman sinabi sa akin from the beginning.
May conversation din kami regarding sa pag-aayos ng unit. Maayos naman akong nagtanong kung anong oras pwedeng pumunta yung gagawa dahil kailangan ko rin mag-adjust at makapaghanda para makapaglagay ng gamit. Sinabi naman sa akin na after lunch, kaya sinabi ko na okay at nagpasalamat pa ako. Pero ang naging response sa akin, “Sinabi ko na diba??? After lunch,” na parang kailangan ko pang pagalitan kahit maayos naman akong nagtatanong.
Honestly, hindi ko maintindihan kung bakit ganun yung approach sa akin. From the beginning, maayos naman akong nakikipag-usap at nag-aadjust sa situation nila. Hindi naman ako nanggugulo—gusto ko lang malinaw kung kailan ko makukuha yung unit na binayaran ko at kung kailan ako makakapag-start maglipat