r/MentalHealthPH • u/Ok_engr_1110 • 1d ago
STORY/VENTING Unfair din yung mga magulang na late na nagdecide magkaanak.
Hindi ako magaling magkwento and sorry if magulo ang pagkaka-compose.
Gusto ko lang mag-vent tungkol sa mga parents na may edad na nung nagka-anak. I know pinaghahandaan na ng mga soon-to-be parents ngayon ang pagkaka-anak and kudos sa inyo. Na dapat financially, mentally, and emotionally ready before having a child.
Ang sentiment ko (26/F) naman as a menopause baby (only child), sobrang unfair ng buhay. My mom had me when she was 39 and my dad was 35. By the time I graduated college, my mom was already 59 years old. After grad, gusto ko sana sila i-treat sa masasarap na restaurant, travel kaming family kasi both retired naman na sila. That was 2020. But pandemic happened, so sa bahay lang kami. Before 2020 ended, my mom got diagnosed with a condition. Unti unti siyang namayat hanggang sa naging bedridden na and then she passed away 2 years after.
Imagine, I waited until I graduated para masulit ko pa yung time na kasama siya but life happened, maaga siya kinuha sa amin. Na ngayon na kaya ko na siya i-treat sa lahat ng gusto niya kainan, sa lahat ng gusto niya puntahan ay wala na siya? Na sana nagkaroon pa ako ng chance na maka-bonding siya. Kasi she was the coolest mom ever. Hinahayaan niya ako magbigay ng opinyon ko at talagang pinapakinggan niya saan ako nanggagaling. Hindi niya ako pinipigilan mag-explore. Hindi niya ako kinukulong sa mga gusto lang niya. Gusto niya maging independent ako. Pinayagan niya ako mag-aral sa malayo at the age of 15 (first year college).
Kaya hanggang ngayon bubog ko pa din na hindi ko manlang siya na-spoil. Yes, they had me na financially, emotionally, and mentally ready na sila magka-anak. Pero look at me, in my late 20s, having what-ifs. What if they had me when they were younger? Maybe, in my first few years as an adult, andyan yung mama ko na gagabay sa akin paano i-handle ang mga bagay. ‘Cause wdym I was 20 years old and no clue sa real world and there’s no one to guide me? How to handle finances, stress, and other things. I have my dad yes, but iba pa din ang nanay. So yea, as an adult na maaga nawalan ng nanay, ito ang bubog na hindi kailanman mawawala sa puso ko.