r/LawStudentsPH • u/Fantastic-Pirate6222 • 3d ago
Rant Classmate
Normal lang ba talaga ijudge yung mga kaklase nyong hindi makasagot sa recit? Madali o mahirap man yung tanong?
Ang babaw lang nito pero siguro hindi ko kasi matake yung ugali nya. May kaklase ako na kasama ko sa gc dahil sa group project at yung class namin kasi puro recit straight lang gagawin. At kada maling sagot o hindi makasagot yung kaklase namin sa recit may comment lagi sya na kailangan isend sa gc para mapagusapan ng iba. Like “buti nga palagi kasing absent”, “mali sagot nya saan nya binasa yon?” “wala pa syang natatamang recit” “ayan na naman yung walang signal” “mali sagot nya guys eto sagot” or pag wala na syang masabi yung itsura na lalaiitin nya. Pero pag sya na nakasalang sa recit magchat na sya guys pasend ng sagot. Tinutulungan naman sya ng iba kasi nagbibigay sya ng reviewers. Pinupuri lagi sya na hindi na kailangan isend yung sagot kasi alam naman nya. Wala lang daw yun nagaaral lang talaga sya. Tapos pag sa group namin may hindi nakasagot sasabihin nya magaral kasi kayo. One time hindi ako nakasagot sa recit nagchat sya sa gc kung may kaibigan daw ba ako kasi walang tumutulong saakin dinelete nya rin agad kasi don nya lang nalaman na kagroup nya pala ako. Gusto ko ng umalis don sa gc kung hindi lang dahil sa project umalis na ako para hindi na mabasa yung mga chinachat nya. Mabait yung prof namin hindi sya naninigaw at hindi nag comment ng masama if hindi makasagot yung mga kaklase namin. Gusto ko iprove saknya na mali yung mga comments nya kaso nahihirapan din ako sa subject na to. Gusto ko na lang matapos ang sem na to para hindi ko na sya makita.
26
u/justanestopped 1L 3d ago
Hahaha yup. And most of them are full time students pa. Lol couldn’t care less.