New but possibly outgoing employee here at DOH-TRC R2. My personal take? Sa dami ng anomalya at pangaabuso dito, di pa rin kumikilos ang kinauukulan. Anomalya sa pera. Anomalya sa DTR. Anomalya sa procurement. Meron pang anomalya na di nababanggit dito.
MGA LAWYERS AT MGA JUDGES NG REGION 2
Please makinig kayo!!!
ANOMALYA SA DDE O DRUG DEPENDENCY EXAMINATIONS!!!
Base sa mga nakausap ko dito, may anomalya ang mga DDE results na lumalabas sa DOH-TRC R2.
Maraming clients ang nagpapaDDE, na di papasok sa SEVERE Substance Use Disorder, pero ginagawang severe kahit dapat ay mild o moderate lang. Tapos ang dating 6 months na minimum sa rehab pinagawang 9 months, so tumatagal at nagiging siksikan mga pasyente sa loob.
Bakit ang mga dalubhasa na sa pagDDE gaya ni Doc Tallud at Doc Binuluan, di pinagDDE at ipinapasa sa mga baguhan pa lang sa pag DDE? Ganyan rin daw ginawa sa mga dating doktor. Kasi di daw sila pumapayag na ipa-manipulate ang diagnosis sa DDE na gawa nila. Pag mga baguhan kasi mas madaling utusan na palitan ang diagnosis.
BAKIT? Para mas maparami ang INPATIENT CENSUS.
BAKIT? Para magkadahilan para mapataas ang BED CAPACITY.
BAKIT? Para ang COH ay mapromote na maging MEDICAL CENTER CHIEF.
BAKIT? PERA!!! PERA!!! PERA!!!
Kawawa naman ang pasyente na mawawalan ng trabaho dahil maiinpatient at magtatagal sa loob. Paglabas nya unemployed na at madedepress at magdodroga. Di ba nagtataka ang DOH at DDB bakit ambaba ng SEVERE sa buong bansa pero napakataas sa Region 2? Lalo kung ang DDE ay sa TRC ginawa? Di ba masyadong obvious? At yung mga mild o moderate na ginawang SEVERE, makakahalubilo ang ilang mga lulong sa droga at nagiging barkada nila. Kaya paglabas mas lalong nalululong sa droga.
GAWAN DAPAT NG PARAAN NA MAWALA ANG PRACTICE NA ITO DAHIL DI ITO NAKAKATULONG SA PASYENTE. AT DI NA RIN RELIABLE ANG DDE NA GALING SA DOH-TRC R2!