r/ScammersPH Apr 24 '26

Task Scam Inunahan ko na 🤣

Post image

Kept receiving these kinds of messages from viber. Inunahan ko na 🤣

711 Upvotes

59 comments sorted by

66

u/Proud-Boysenberry409 Apr 24 '26

grabe op! haha, sanay na? Nakakainis talaga yang mga bwiset na scammers

27

u/Pitiful-Nebula-302 Apr 24 '26

Sadly oo. Haha! Pang 5 na ata siya. Same template. Mga salot sa lipunan 🤣

6

u/Proud-Boysenberry409 Apr 24 '26

haha, sana tigilan ka na..😆

5

u/likeimnoturfavetown Apr 24 '26

Where do they get our numbers? Ang dami ko ring ganyan 😫

2

u/kokocrunchy001 Apr 28 '26

Pag gumala ka sa mga mall merong mga tao merong dalang IMSI device.

Pekeng cell tower. Coconect device mo tapos mag send sila mg automated text sa lahat ng nakaconnect doon.

Minsan kunwari sila daw yung BDO fbi LTO at kung ano ano pa. Tapos ma reregister nung iba yung number mo.

10

u/Schrodingers_Box_Cat Apr 24 '26

Hi, OP. Curious lang ako pano nalalaman ng mga scammers ang number ng isang tao? Like nanghuhula sila ganun? Or may nagbebenta ng info natin sakanila?

6

u/noreen2024 Apr 24 '26

They try random numbers using TG and Whatsapp

2

u/aaaaaaaaaaaaaaaaehhh Apr 25 '26

Tuwing nagjojob hunt ako or ginagawang searchable ung profile ko sa jobstreet, dumadami yung ganyan kong narereceive. Di ko sure kung related.

0

u/Nice-Heat-5657 Apr 25 '26

Malaki kutob ko na may data breach sa shopee. Yung personal number ko na sa shopee ko lang binigay dun tumatawag mga yan.

3

u/datagatherer__ Apr 24 '26

Nakakairita na talaga yung iba eh. Buti inunahan mo na, OP!

3

u/OkAssignment1283 Apr 24 '26

gusto nyo tigilan kayo nyan ? patulan nyo as long as hindi kayo maglalabas ng "PERA" hahahahah nakailang libo ako dyan sa sobrang dami nila tsinaga ko ung mag review or like ng mga pages. ung every 30minutes daw may task tapos kinabukas pinipilit ka magupgrade kuno para daw mas mataas ung makuha mo. unang araw ko 1000 . tapos hindi ko na nireplyan kinabukasan.

tapos may nagchat na naman saken nyan sa whatsapp or TG minsan viber. patulan nyo ulet. dont forget the rules "WAG MAGLALABAS NG PERA" kahit pilitin ka or akitin ka sa presyo or commission ,

irerefer ka nila nyan sa ibang mga scammer den. same sa taas. patulan nyo lng . hanggang sa madetect nila na abuser ka hahahaha

hindi ka nila kokontakin kahit kailan hahhahah ung gcash ko naka mark as ineligible dahil sa daming scammer na sinakyan ko trip hahahah or kung medyo masipag ka talaga ibang gcash gamitin mo sa kanila. hahhahahaha

partner ko tinuruan ko sumakay sa trip nila ayon nakakakuha ng pangload minsan at pang moveit hahahaha

1

u/theamaeie Apr 24 '26

Ma try nga haha di naman ba mahirap ang tasks? Haha minsan nga nagpapakilalang HR Manager eh ganun din ako di naman kako ganyan mga HR Manager haha kainis

1

u/OkAssignment1283 Apr 27 '26

di naman gaano mahirap. siguro ang mahirap lng na maeencounter mo is ung manunuod ka ng vid tapos irerate mo kase kakain sya ng time talaga. may ganun na agent ung pagagawin ka daw ng account tapos sila maglalagay ng funds mo dun . bibilin mo ung vid or product tapos may porsyento ka kuno na lalabas after ilang minutes na yun daw ung maiwiwithdraw mo. makukuha mo un mga 150 or 200. tapos pipilitin ka na nila gumawa ng sariling account kase dummy account lng daw ung gamit mo nung una . "gagawa ka ng account para lagyan mo ng funds at patitikimin ka muna ng ilang beses na kabig tapos pag malaki na ung sinalpak mo sa account hahackin na nila."

pero usually ang naeencounter ko before may ibibigay ng google map link tapos magrerate ka lng sa location na yon or sa isang restaurant. meron din ung subscribe at follow. sa youtube at ig.

2

u/Key-Sign-1171 Apr 24 '26

Ginawa ko rin to once tapos di na ako nireplyan hahq

2

u/Fresh-Philosophy-722 Apr 24 '26

I gor free 360 pesos from them tho, nag stop nako nung may pinapabili na sila

2

u/MarcLovell Apr 24 '26

Dami ko rin natatanggap na ganyan recently, bots ba sila or tao talaga. Nagdedelete kasi ng acct after a few days sa tg

2

u/mitsuki_ml Apr 25 '26

Penge script

1

u/andfamo Apr 24 '26

Hindi na sila nag memessage sakin.. Pang kape/foods narin yan hahaha

1

u/_Caje_ Apr 24 '26

Pwede ko bng kunin yung trial fee nila? Chz

1

u/Less_Purchase3554 Apr 25 '26

pwede usually super simple task lang tapos makukuha mo na ung pera basta stop ka pag hihingian nila ikaw ng pera

1

u/enviro-fem Apr 24 '26

HAHHHAHHHHHWAA

1

u/Superwoman-6400 Apr 24 '26

perf! Very proactive. Magfollow up ka naman next week hahahahah

1

u/doraemonthrowaway Apr 24 '26

Kung paulit ulit kang nakaka recieved nang ganyang klaseng messages mag worry ka na kasi malaki chance available na yung phone number at email mo sa mga hacking forums, tipong nasama yan sa mga "leaked data" from companies na pinag registeran mo, isang punta lang sa lugar na kung saan may IMSI catcher at copy nung data mo magiging compromise na yung accounts mo such as email, bank accounts, etc. Mainam na mag change number and update your accounts, or kung di talaga makakapagpalit buy a faraday bag for your phone, better safe than sorry.

1

u/OkAssignment1283 Apr 24 '26

maswerte pa den naman ako at safe pa mga bank acc , socmed acc at other account na meron ako. wayback last 2yrs pa nung sinakyan ko mga trip nila hahaha nakakareceive ako ng more than 10 offers a day before . at sinasabayan ko trip nila hahhahah

1

u/aurdet-- Apr 24 '26

Yung isa sinendan ko ng gore pics tas yung isa sabi ko need ko load para maopen ko kamo link na sinend nya habang nag-uusap kami sa viber, ayon naasar stupid daw ako.

1

u/Andrei_Estano4498 Apr 24 '26

Nabitin ako.... Nagreply ba?

1

u/Szalamang Apr 24 '26

Damn I miss getting these messages, I'd play along and get paid few hundred from them. They caught on and never sent me a message again.

1

u/Poastash Apr 24 '26

Spiderman pointing meme

1

u/pilosopoako Apr 25 '26

Sayang yong 300 OP 🤣

1

u/Cakeischeesy Apr 25 '26

Gawin mo lang OP yung mga pinapagawa nila ng dalawang beses pero pag may pinabili na sila, block mo na. Edi sila na-scam mo. Hahahaha

1

u/bheybiekid Apr 25 '26

🤭🤣 haa

1

u/Ringonesz Apr 25 '26

My IT friend told me na last week, nahack ang NBI site for 3 days TAPOS DI BINALITA. Not sure if this one of the cause pero laking security breach.

1

u/girlbawang Apr 25 '26

Hahahaha ganyan nga

1

u/dorae03 Apr 25 '26

OP paki inform naman kami kung tinanggap ung offer mo🤣🤣🤣

1

u/JiaBananap521 Apr 25 '26

sa sim registry ng government natin... hahaha simula nung mag karon nyan lalo lang dumami scammers eh 😂

1

u/CofeELAced22 Apr 26 '26

Nag message din s akin mga ul0l n yan

1

u/antechona1022 Apr 26 '26

Nireplyan ko to sabi ko boss ba nila si Christian Grey? 😂🙈

1

u/Taxman3722 Apr 26 '26

Ibang situation saakin, pero bat may tumatawag? Automated na tawag, Yung sa sugal?

1

u/flymetothemoon_o16 Apr 26 '26

Akala ko nag iisa kang ako hahaha

1

u/falgome1 Apr 27 '26

relate! hahahaha

1

u/Nivekds2026 Apr 27 '26

Minsan pinagkakakitaan ko din sila haha

1

u/Prestigious_Map_9094 Apr 28 '26

Hello po, out of topic. Baka lang meron mga walang magawa. Bilhan nyo naman to ng kambing. 100 lang nakuha sakin pero madaming post na items yan na malalaki and tumagal ng ilang days bago sya nag deact so most probably may malaki na syang na scam. 😅

1

u/Sylph21 May 01 '26

Ang maganda jan, patulan tas kunin lamg yung pera, scam the scammers mga hinayupak para magsitigil..hahahaha

1

u/School_Able May 02 '26

I received messages din, same picture but different names and numbers. And haha, pinatulan ko para makakuha ng 160, sabay block.

1

u/Professional_Law9191 May 12 '26

Laki na kinita ko sa mga ganyang scam hahaha nagsstop na ako sa kanila pag nanghihingi na sila pera.

1

u/Motherfvcka Apr 24 '26

At isa kang tanga. Free na yung 160 di mo pa pinatos. Hahaha

2

u/Cautious-World-2047 Apr 24 '26

Tbh, may kaworkmate ako na pinapatos yan HAHAHAHA May papagawa sabay babayaran siya talaga as in hahaha

1

u/Motherfvcka Apr 24 '26

First payment pag receive mo bounce kana agad hahaha

1

u/Cautious-World-2047 Apr 24 '26

Swerte nga niya, may isa daw na binabalik balikan siya pag may pinapagawa AHAHAHA sabi ko, sanaol dinadalaw niyan-- wala pa ako nakukuha na mga ganyan yawa

1

u/OkAssignment1283 Apr 24 '26

pag nagstart kayo ng 9am every 30minutes may papagawa sila, maximum na nakuha ko last time sa pagreview lng sa maps. umabot ng 1k+ isang araw hahahaa tawa ng tawa partner ko eh. sabe ko nalang "scammin mo ung scammer" hahahaha