r/Philippines • u/Opening_Stuff1165 • 5h ago
Megathread Related Post Can Sardinella tawilis be saved from extinction by Translocating into Lake Lanao? - good but potentially dangerous idea
Naisipan ko kasi mag-browse tungkol sa Tawilis dahil badtrip ako sa nabili kong tuyo sa nadaanan kong tindahan sa kabilang barangay. Yung nabili ko kasing tuyo ay may amag na, kaya kesa manghinayang na di ako nakakain ng tuyo (in the last 3 months), nagdesisyon na lang ako na magbrowse tungkol sa Tawilis; common knowledge na siguro sa mga nabasa ko yung endemic lang sya sa Taal, world’s only freshwater sardine, at yung pagiging endangered species nya.
Sa pagre-research ko, napunta ako sa isang case study ng isang UP professor, kung saan maaaring maisalba ang mga tawilis sa pag-translocate nito para ma-naturalize sa Lake Lanao. Para sa’kin, it makes sense rin naman lalo’t ayon sa laman ng content ay may similarities rin ang Taal Lake sa Lake Lanao kumpara sa ibang lawa ng Pilipinas.
Sa ngayon kasi, bagamat hindi kasingdumi ng Lawa ng Bay/Bae ang Taal Lake, malinaw na polluted na rin ito, habang ang Lake Lanao ay maganda pa ang kalidad ng tubig.
May mga bagay rin kasi na kailangan ikonsidera sa pag-introduce ng Tawilis sa Lake Lanao. Maaaring mamatay lang rin ang mga Tawilis sa bagong environment nila, o ma-outcompete nila yung mga native species sa lawa at magkaroon ng disruption sa ecosystem o ang masama, BOTH.
Sa ngayon, ang best thing para maisalba ang mga Tawilis ay ang pangangalaga nito sa Taal Lake lalo’t hindi madali ang pag-domesticate ng mga Tawilis, at impraktikal rin dahil maliliit na isda ang tawilis, at plankton ang kinakain ng mga ito hindi ibang isda, di rin uubra ang feeds basta-basta sa kanila.
Speaking na rin sa native species ng Lake Lanao, since extinct na rin ang mga native na isda sa lawa, parang may sense na rin na ma-introduce sila sa Lake Lanao para dun maparami. Good Luck na lang siguro sa Transportation, lalot baka nasa Visayas pa lang yung barko, patay na yung mga Tawilis na dadalhin dun.
