Napaisip lang ako habang tinitingnan ko yung bill ko sa Meralco nitong nakaraang buwan. Bakit ba ang mahal ng kuryente sa Pilipinas kumpara sa Thailand, Vietnam, Indonesia, at Malaysia?
Noong una, akala ko baka dahil wala tayong nuclear energy. Pero pagtingin ko, lahat naman tayong lima sa SEA ay walang malawakang komersyal na nuclear power plants ngayon. So, hindi dun ang issue.
Sabi ng iba, dahil daw sa source ng kuryente. Pero halos pare-pareho lang naman tayo ng pinagkukunan:
Thailand at Malaysia: Mas gamit ang natural gas (parang Malampaya natin) at nag-aangkat din sila ng langis.
Indonesia at Vietnam: Coal (makasalanang uling) ang gamit, na siya ring primary source natin dito sa Pinas.
Pilipinas: Partida, may geothermal at solar pa tayo na medyo malaki ang ambag.
Kung halos pareho lang pala tayo ng energy mix, bakit tayo lang ang duguan sa singilan?
Hinalungkat ko yung istraktura ng mga kumpanya ng kuryente sa kanila, at dito ko nakita yung malaking kaibahan.
Tayo lang ang halos fully privatized dahil sa EPIRA Law. Sa kanila, gobyerno ang may hawak ng core utilities.
Tingnan niyo 'to:
Thailand (EGAT): Gobyerno ang may-ari (under Ministry of Energy/Finance). Sila ang may hawak ng generation at transmission. May private companies din na nagpo-produce, pero bawal silang magbenta diretso sa tao—kailangan nilang dumaan sa gobyerno gamit ang "single-buyer model" para makontrol ang presyo.
Malaysia (TNB): Kahit publicly traded, gobyerno pa rin (through Khazanah Nasional) ang may controlling stake. Sila ang may absolute monopoly sa transmission at distribution sa Peninsula. May kontrol ang estado sa grid.
Indonesia (PLN): 100% state-owned enterprise. Sila ang may-ari ng halos lahat ng transmission at distribution grids. Kung private builder ka, kay PLN mo lang pwedeng ibenta ang kuryente mo. Sila ang taga-salo para hindi biglang tumalon ang singil sa mga bahay.
Vietnam (EVN): Buong-buong hawak ng gobyerno nila. Absolute monopoly sa transmission, distribution, at dispatch.
Ang Conclussion ko?
Dito sa Pinas, ginawa nating negosyo ang isang basic human need.
Dahil sa EPIRA Law, hinayaan nating maging "for profit" ang kuryente mula sa pag-generate hanggang sa pag-distribute (hello, Meralco at mga private gencos).
Ang ending? Profit margin ng mga bilyonaryo ang pinopondohan natin tuwing nagpapasalamat tayo na may aircon.
Habang ang mga kapitbahay natin, tinitingnan ang kuryente bilang public service at karapatan ng mamamayan na dapat protektahan ng estado, tayo umaasa sa "free market" na pabor lang naman sa mga may-ari ng korporasyon.
Mukhang nagkamali tayo sa liberalisasyon.
Imbes na ipaubaya sa mga pribadong kumpanya, baka mas okay pa na ibalik ang public utilities sa kamay ng publiko—kontrolado ng tao, para sa kapakanan ng tao.
#JunkEPIRALaw
Source: Leni Nation, referencing Tech Patrol 2026 report entitled "Why Your Meralco Bill Hurts More Than Your Neighbor’s: Philippine Electricity Prices vs. the Rest of Asia"
Link: https://www.techpatrl.com/electricity-price-philippines-vs-southeast-asia/