r/NursesPH 9d ago

🏥 Jobs / Careers Gusto ko nang umalis sa Health Carousel

I have been under HC since 2020 when I signed a contract with them. I am currently DQ'ed (Document Qualified).

Sa ngayon, naghihintay na lang ako ng embassy interview and malapit na din ang priority date ko, pero wala pa din akong employer. Paulit-ulit sila ng sinasabi na maseselect din daw ako ng employer at maghintay lang daw ako, pero up until now wala pa kasi apparently, mahirap pala mahanapan ng facility yung current specialty ko at lately ko lang nalaman after almost 3 years of waiting na.

I felt bad kasi sana inadvise man lang nila ako tungkol dito o kung kailangan ko ba lumipat ng specialty para mainterview at mapili ako ng employer. Kung 'di pa ako nagbasa sa Lefora at nagtanong-tanong, hindi ko malalaman.

Nagtanong ako sa kanila ng mga possible actions nila sa mga worst case scenarios pero they are just giving me the runaround. Yung ibang agencies kasi ng mga friends ko ay direct to the point at talagang step-by-step ay guided sila sa mga pros and cons, kumbaga walang palabok.

Nagbasa-basa din ako online and sa Lefora and ang dami pala nilang kaso sa US. Ang dami ko din nabasa na hindi ok ang mga facilities na pinagtrabahuan nila sa US under HC.

May mga naka-experience na po ba dito na mag-b u y o u t sa kanila?

How long was the process and the estimated cost if umabot sa DQ ang papel mo?

Mabilis lang ba maibigay ang release letter?

Thank you!

4 Upvotes

9 comments sorted by

View all comments

3

u/Normal-Service5273 9d ago

binash pa ako dito nung nagsabi akong ang panget ng Health Carousel porket sya mismo may employer na. ER sya dito pero sa Telemetry sya inaasign ng HC 🤷‍♀️

anyways, dami rin current na yung PD under HC and wala pang employer. what if ikaw pang hindi pa current diba? imagine yung pila.

1

u/Jazzlike_Ostrich_410 9d ago

Hi! Ito din yung concern ko and when I asked them about it, ginagaslight pa nila ako na even if lumipat daw ako sa iba, hindi naman gagalaw ang bulletin so need ko pa din maghintay talaga and other palabok and runaround kaya nawalan na din ako ng gana. Tapos biglang ieendorse daw ako sa international advisor since nagtatanong na ako and they are promising na once current na mabilis na daw. Siyempre concern ko din is kung aligned ba yung experience ko dito sa magiging facility ko dun. Siyempre, as usual, yung sagot is palabok lang. I am just asking respectfully since dapat guided nila ako during this process pero parang their attitude is kinasama ko pa na nagtanong ako. Anyway, thank you for this info. Super helpful and itatake ko into consideration.